It’s hard to accept na iiwan din ni Matteo si Steffi sa ganitong sitwasyon. Paano na si Steffi ‘pag wala na ang kanyang pinakamamahal na si Matteo?

Alam na ni Steffi ang buong katotohanan sa pagkatao ni Matteo. Nagparaya na rin siya sa kanyang nararamdaman para rito. Mahirap sa kanya pero she will endure the pain for Matteo’s sake.

Both of them felt the same way. It pains them to bid each other goodbye pero ano’ng magagawa mo kung ang kapalit ng ‘yong pananatili ay ang pagkawala ng ‘yong buhay?

Hindi lang si Steffi ang nalulungkot sa pag-alis ni Matteo. Pati na rin ang kanyang naging kaibigan sa planet Earth. Si Mister Jang ang natatanging nakakaalam ng lihim ni Matteo from the very start. Iniligtas ni Matteo ang buhay ni Mr. Jang nang binalak nitong magpakamatay.

Ninais ng kanyang tatay-tatayan to end his life dahil hindi nito matanggap ang masamang sinapit niya. Matteo came to the rescue. Tinulungan niya ito sa kanyang suliranin. Because of that, ang laki ng pasasalamat ni Mr. Jang kay Matteo. Anak na nga ang turing nito ni Matteo. Kaya sa pag-alis niya, lubha rin ito nalungkot tulad ni Steffi.

Para maibsan ang kanyang lungkot, naghanda si Steffi ng proposal gift. Isang USB ang kanyang binigay. Sinabihan niya si Matteo na pakakaingatan ang kanyang regalo. Ito ang magiging alaala kung gaano niya kamahal si Matteo. Ano kaya ang nilalaman ng USB?

Matteo told himself na ‘di siya magmamahal. Dahil mahirap tanggapin ang pagkawala ng isang bagay na iyong pinahahalagahan. Ang prinsipyo na ito ang kanyang isinapuso sa loob ng 400 na taon. Sa pagdating ni Steffi, nagbago ang kanyang pananaw. Kung may gusto man siya mangyari that is to stop time to be with Steffi.

What will Matteo choose – to leave his love in order to live or to be with the one he loves but die in the end?

Konting oras na lang ang nalalabi, will Matteo make his decision in time?

Advertisements