© GMANetwork.com

Hindi kaila na marami ang patuloy na tumitili tuwing nakikita ang nag-iisang heartthrob na alien ng My Love From The Star. Sa kanyang pag-landing, hindi na mabilang ang mga kinilig at nabaliw sa ubod ng charming na si Matteo Do. Bakit nga ba hindi na mapigilan ang buong mundo sa paghanga kay Kim Soo Hyun A.K.A. Matteo Do? Here are 10 photos why.

© GMANetwork.com

Ano man ang ipasuot sa’yo, mapa-turtle neck, fur, at iba pa, walang kupas ang iyong kagwapuhan.

© GMANetwork.com

Kakaiba ka makatitig. Hindi nakapagtataka kung biglang matunaw sa kilig ang kahit sinong taong titignan mo nang ganyan.

© GMANetwork.com

Kahit sinong babae, mapapapisil sa cheeks mo Kim Soo Hyun. Well, you can’t blame them.

© GMANetwork.com

Pati sa pagsilip, cute ka pa rin.

© GMANetwork.com

Hindi lahat ng lalaki kayang dalhin ang full bangs. Pero ‘pag dating kay Kim Soo Hyun, naiiba ang usapan.

© GMANetwork.com

Kim Soo Hyun, ganyan ka ba talaga kapag galit? If that’s the case, lagi ka na lang gagalitin ng bawat kababaihan.

© GMANetwork.com

Naaksidente ka na’t lahat, gwapo ka pa rin.

© GMANetwork.com

Kung ganyan lang din ang magiging hitsura mo tuwing marami kang iniisip, sana hindi ka na lang mawalan ng problema.

© GMANetwork.com

Kahit terror professor ka pa Kim Soo Hyun, hinding-hindi ka matitiis ng bawat highschool or college student. Tingin mo pa lang, para nang naka-100 points ang buong klase.

© GMANetwork.com

Kung ikaw lang din ang palaging makakausap, walang taong mauubusan ng sasabihin.

View Source

Advertisements