Kinabaliwan at nag-trending ang ‘My Love from the Star’, hindi lang sa South Korea, kung di pati na rin sa China. Nakarating din ito sa Malaysia at Singapore. At ngayon paparating na sa bansa ang romantic comedy na magpapatigil ng ating mga mundo.

We welcomed and embraced Kim Soo-hyun sa ‘Moon Embracing the Sun’ when he portrayed the Crown Prince, King Lee Hwon. Ngayon, muli niyang bibihagin ang ating mga puso, when he plays Matteo Do in ‘My Love from the Star.’

Ang Korean actress naman na si Jun Ji-hyun, from the phenomenal hit ‘My Sassy Girl’, will now be seen as Steffi Cheon. Self-centered, arrogant at masyadong “feeling” ang karakter na gagampanan ni Jun Ji-hyun, pero despite these negative traits, tapat naman siya kung magmahal.

Pinag-usapan ng buong mundo ang ‘My Love from the Star’ dahil sa kakaibang kuwento nito. Pinaghalong romantic comedy, sci-fi at fantasy ang series. Kinabaliwan din ito ng mga manonood, katunayan halos lahat ng significant things na makikita sa palabas ay sinundan. Chicken and beer became a trend dahil ito ang favorite food ni Steffi Cheon. Naging fad din ang mga designer clothes na sinuot ni Jun Ji-hyun. Even ‘yung lipstick na ginamit niya, sold-out din!

Mula 19 episodes, na-extend din ang ‘My Love from the Star’ to 21 episodes dahil sa high ratings. Nagtala ng average rating of 22.64 percent sa TNMS and an average rating of 24.02 percent sa AGB Nielsen.

Kaya naman huwag palalampasin ang Philippine premiere ng My Love from the Star. Mapapanood na ito on April 21 bago mag-24 Oras.  Para sa latest sa Heart of Asia, bisitahin lagi ang http://www.gmanetwork.com. — Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com

 

Advertisements