Nasa Los Angeles, California na ang international singer na si Charice para sa kanyang world tour.

Sa ulat ng GMA news “Unang Balita” nitong Biyernes, sinabing sinalubong si Charice ng kanyang fans nang lumapag ang sinakyan nitong eroplano sa LA International Airport.

Kasama ni Charice sa biyahe ang kanyang musical director na si Troy Laureta.

Hindi naman kasama ni Charice ang girlfriend na si Alyssa pero magkikita daw ang dalawa sa Canada. — FRJ, GMA News

Advertisements