Ngayong linggo sa The Greatest Love, mukhang unti-unti nang magiging malapit si Jordan kay Angel dahil sa pagpayag niyang sumali sa Couple Making contest.

Mukhang minamalas talaga si Angel, dahil pagkatapos niyang makatanggap ng sampal sa dating manager ay mauubusan naman ng gas ang kotseng sinasakyan nila ni Colin. Samantala, sa muling pagkikita nina Jordan at Angel, pipilitin ni Angel na huwag na lang sumali si Jordan sa Couple Making dahil kapag nagkataon, iniis i p niyang siya ang unang tatanggalin sa show.

Dahil sa ginawa ni Angel, mas lalo namang naintriga si Jordan at nakumbinsing sumali sa Couple Making. Piliin kaya ni Jordan na unang matanggal si Angel? Ano kaya ang magiging reaksyon nina Colin at Claire sa magiging desisyon ni Jordan?

Abangan ang lahat ng ‘yan sa pinakabagong Koreanovela, ang The Greatest Love, na mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA Telebabad.

 

Advertisements