GMA News Online

Maraming Koreanovela fans ang na-excite sa nalalapit na pagsisimula ng number one drama series sa Korea ngayong taon na Moon Embracing The Sun na handog ng GMA-7. Tiyak daw na susubaybayan ng mga manonood ang bawat tagpo ng historical-fantasy drama.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Martes, nagwagi ang naturang palabas bilang Best Drama sa 48th Paeksang Awards.

Nakuha rin ng lead actor na si Kim Soo Hyun ang parangal bilang Best Actor.

Ang storya ay tungkol sa pag-iibigan ng isang hari at ng kanyang crown princess at sa pagharap nila sa magiging hamon sa kanilang pagmamahalan.

24 Oras: Koreanovela fans, naexcite sa pagsisimula ng ‘Moon Embracing The Sun’

Samantala, sigurado naman ang mga KPop wannabes na Breakfree na papanoorin nila ang naturang palabas araw-araw.

Wika pa ng isa sa mga miyembro ng grupo, “Sobra ‘yong mga magagandang comments kasi, so okay na ipapalabas siya ngayon sa GMA. At least, meron na namang bagong Koreanovela.”

Gayundin, hindi na rin makapaghintay ang ilang mga Koreanovela lovers sa pagsisimula ng palabas.

Wika pa ng tatlong Koreanovela fans, “Super ganda ng story kasi nakaka-iyak siya at nakaka-touch. Lahat talaga makikita mo, kikiligin ka, tapos ang gwapo kasi ni Kim Soo Hyun.”

Dagdag pa nila, “And also, ginawan niya ng twist ‘yong historical drama, so parang naging mas naging exciting siyang panoorin ng tao. At least mare-recommend namin siya sa ibang Filipinos kasi at least dubbed na siya in Tagalog.”

Pati rin ang magbabarkadang mga Koreana, papanoorin pa rin nila ang Moon Embracing The Sun kahit napanood na nila ito sa Korea.

Wika pa ng isa sa kanila na si Ayoung Jang, “I know the Filipinos love Koreanovelas regarding like ancestral environment [and] background. If you love DongHae, you will definitely love it [the show].”

Mapapanood na ang Moon Embracing The Sun tuwing Lunes hanggang Linggo bago magsimula ang 24 Oras. – Mac Macapendeg/BM, GMA News

View Source

Advertisements